#DanceKinectionDay
Agosto 25, 2014
Linggo
Tanghali
na nang magsimula ang araw ko. Ngayon kasi ang usapan namin nila Sam, Kylen,
Jellie at Niña na mag dance kinection sa Robinsons Tagaytay para mas malapit.
Mas malayo kasi kung sa SM Dasma o sa Walter Trece kmi magki-kinect.
Ala-una
ang usapan namin ngunit alas-dos na nang magkita-kita kami sa aming tagpuan. Na
traffic kasi ako. Di ko lang alam kung na-traffic din sila.
Pagkalabas ko pa lamang ng aming
compound, sumambulat ka-agad ang katakut-takot na traffic sa aking mga mata,
kinse minutes bago mag ala-dose. Kaya naman napag-isipan kong maglakad na lang
papuntang palengke ng Tagaytay upang doon na lamang sumakay ng dyip papuntang
Olivarez. Nakasakay rin naman ako ka-agad ngunit dahil sa traffic matagal akong
naka-upo sa dyip at natagalan din ako bago nakarating sa Robinsons. Traffic
kasi papuntang Olivarez at papuntang Robinsons, sa kahabaan ng Aguinaldo
Highway.
Nakadating ako sa Robinsons
sampung minute bago sumapit ang alas dos ng hapon. Huli na sa usapan naming
oras, pero hindi, kararating lang din pala nila. Marahil traffic din sa Mendez
pauntang Robinsons. Agad kong nakita sila Sam, Kylen, Jellie at agad din kaming
sumakay sa escalator paakyat sa ikalawang palapag kung saan naroroon ang World
of Fun, kung saan kami magsasayaw sa harap ng maraming tao. At sumunod naman si
Niña kasama ang boyfriend niya sa World of fun.
Na-excite agad ako nang
makita kong may mga sumasayaw dahil unang beses
kong susubukan mag-dance kinection. Pero hindi agad kami sumayaw. Nanood
muna kami ng mga naglalaro sa loob ng World of Fun. Hinintay din muna naming na
umunti ang bilang ng mag tao upang hindi masyadong nakakhiya pag sumayaw na
kami.
Kaunti na ang bilang ng mga
tao kaya’t napag-isipan naming simulan na ang pagsasayaw. Bumili kami ng apat
na token na may dagdag na labing-isa, promo nila. Naghulog kami ng siyam na
token upang masimulan na ang dance kinection.
Unang sumayaw silang apat.
Pagkatapos ay pinalitan ko naman si Niña. Nakakahiya. Ang kakaunting bilang ng
mga taong nanonood ay tila bacteria na mabilis dumami Pero masaya. Sa saliw ng
kantang Kiss you ng One Diretion, sayaw dito, sayaw doon. Nakakahiya talaga.
Natapos ang trenta minutos na pagsasayaw, natapos na rin ang aming eksena.
May natira pa kaming token
kaya naglaro muna sila, ako nama’y kumanta nang may pagpiyok sa dulo. Okay lang
di naman halata eh.
Umuwi na kami. Grabe traffic
na naman pabalik ng Olivarez,punuan din ang mga dyip kaya naman sumabit na
lamang ako. Woooh! Sobrang sakit sa binti lalo’t trenta minutes kang nakasabit
sa dyip. Buti na lamang at may bumabasa may simbahan ng Lourdes. Saka guminhawa
ang aking pakiramdam. Pinagsisihan ko ring sumabit gayong pede naman akong
maghintay ng dyip na hindi puno.

Comments
Post a Comment