- Get link
- X
- Other Apps
Posts
Island Only Please!
- Get link
- X
- Other Apps
“No one is above the law.” Sa ginagawang pananamantala ng China sa mga isla sa West Philippine Sea, hindi lamang batas ng Pilipinas ang kanilang sinusuway kundi pati na rin international law, na dapat ay sinusunod ng bawat bansa. Hindi ba’t ang sinumang lumabag sa batas ay dapat na parusahan? Nasan na ang dapat magparusa sa China? O baka naman walang nagtatangkang lumaban sa higanteng bansa na ito? Sa bagay, populasyon pa lamang nila ay wala nang tatalo. Wala talagang tatalo sa China. Ayon nga sa ekonomiks, kapag marami ang populasyon ay mabilis ang produksyon sa paggawa, kaya naman mabilis pa sa alas cuatro ang pagtatayo ng China ng kanilang airbase sa Scarborough Shoal na umabot na ng animnapung ektarya, katumbas na ng isang lungsod. Palakpakan natin ang China! Palakpakan natin ang China sa pagiging sakim niya. Sa kabilang banda, palakpakan din natin ang ating gobyerno na wala man lamang nagawang aksyon at hindi man lang napigilan ang pagtatayo ng China ng estruktura sa at...
#CandleVendor4dPerstaym
- Get link
- X
- Other Apps
"Kandila... Kandila po..." Sa labas ng gate ng Our Lady of Lourdes Parish Church sa Tagaytay, naranasan kong magtinda ng kandila minsan sa aking buhay. Setyembre 14, 2104. Linggo. Nakatakda akong maging isang tindero ng kandila- isa na namang aktibidad sa aming asignaturang Retorika, ngunit dahil nasa simbahan na rin lamang ako ay minabuti ko muna na magsimba sa Ina ng Laging Saklolo Parish Church. Nang sa gayon, ma-bless naman ako at makahingi na rin ng tawad sa Diyos dahil sa aking mga kasalanan. Nang matapos ang misa, agad akong lumabas ng simbahan upang masimulan na ang pagtitinda ng kandila ngunit lakin-hinayang ko na malaman na wala na palang nagtitinda ng kandila sa labas ng simbahan ng Ina ng Laging Saklolo. Meron na kasing sariling tirikan ng kandila ang simbahan, at ang mga tao na rin sa simbahan ang nagpo-provide ng kandila. Naks naman! Hindi ako nawalan ng pag-asa, dahil mayroon pa namang malapit na simbahan sa amin. At eto na nga ang Our Lady o...
#DanceKinectionDay
- Get link
- X
- Other Apps
Agosto 25, 2014 https://www.facebook.com/video.php?v=889043067792380&set=o.270611876414053&type=2&theater Linggo Tanghali na nang magsimula ang araw ko. Ngayon kasi ang usapan namin nila Sam, Kylen, Jellie at NiƱa na mag dance kinection sa Robinsons Tagaytay para mas malapit. Mas malayo kasi kung sa SM Dasma o sa Walter Trece kmi magki-kinect. Ala-una ang usapan namin ngunit alas-dos na nang magkita-kita kami sa aming tagpuan. Na traffic kasi ako. Di ko lang alam kung na-traffic din sila. Pagkalabas ko pa lamang ng aming compound, sumambulat ka-agad ang katakut-takot na traffic sa aking mga mata, kinse minutes bago mag ala-dose. Kaya naman napag-isipan kong maglakad na lang papuntang palengke ng Tagaytay upang doon na lamang sumakay ng dyip papuntang Olivarez. Nakasakay rin naman ako ka-agad ngunit dahil sa traffic matagal akong naka-upo sa dyip at...