#CandleVendor4dPerstaym
"Kandila... Kandila po..."
Sa labas ng gate ng Our Lady of Lourdes Parish Church sa Tagaytay, naranasan kong magtinda ng kandila minsan sa aking buhay.
Setyembre 14, 2104. Linggo. Nakatakda akong maging isang tindero ng kandila- isa na namang aktibidad sa aming asignaturang Retorika, ngunit dahil nasa simbahan na rin lamang ako ay minabuti ko muna na magsimba sa Ina ng Laging Saklolo Parish Church. Nang sa gayon, ma-bless naman ako at makahingi na rin ng tawad sa Diyos dahil sa aking mga kasalanan.
Nang matapos ang misa, agad akong lumabas ng simbahan upang masimulan na ang pagtitinda ng kandila ngunit lakin-hinayang ko na malaman na wala na palang nagtitinda ng kandila sa labas ng simbahan ng Ina ng Laging Saklolo. Meron na kasing sariling tirikan ng kandila ang simbahan, at ang mga tao na rin sa simbahan ang nagpo-provide ng kandila. Naks naman!
Hindi ako nawalan ng pag-asa, dahil mayroon pa namang malapit na simbahan sa amin. At eto na nga ang Our Lady of Lourde Parish Church.
Pagkababa ko ng dyip, laking tuwa ko dahil may nakita agad akong nagtitinda ng kandila. Naulan pa. Wala pa naman akong dalang payong. Kaya naman nakisilong muna ako sa payong ng isang ginang na nagtitinda ng kandil, si Nanay Tessie. Medyo na nahiya na ako kay Nanay Tessie ako pumasok ako sa loob ng simbahan.
Magsisimula pa lamang ang huling misa sa umaga. Kahit nakasimba na ako ay pumasok pa rin ako upang magsimba muli. Nang magkaroon ako ng lakas ng loob upang magtinda ng kandila ay agad akong lumabas ng simbahan. Takbo kahit naulan, Makapagtinda lamang.
Lumapit ako sa pwesto ni Nanay Tessie at bumili muna ng kandila.
Pagkatapos kong bumili ng kandila ay agad akong nagtanong, "Pwede ko po ba kayong tuungan magtinda?". Hindi siya sumagot. "Ibibigay ko naman po sa inyo ang benta" sabi ko.
Pumayag din si Nanay Tessie ngunit bakas sa kanyang mukha ang pagdududa. Sinabi niya na kumuha na lang daw ako kung ilang ang gusto kong ibenta.Kumuha ako ng tatlong kandila na kung tawagin ay "mag-anak na kandila" at nasimula na ang aking pagtitinda, 'di alintana ang ulan at first time ko tong gagawin.
Inaalok ko ang mga taong pumapasok ng simbahan, "Kandila... Kandila po...", ngunit ni isa ay wala man lamang bumili. Siguro nahihiya sila dahil bini-video ko sila. Masakit man na walang bumili ay patuloy pa rin ako sa pagbebenta, nakakahiya naman kasi kay Nanay Tessie na wala akong mabenta.
Hanggang sa matapos ang misa at lumabas na ang mga tao, may isang ginang ang bumili sa akin ng kandila. 'Yung pang-birthday raw. Kaarawan kasi ng kanyang anak. Ang kanyang anak mismo ang nagtirik ng kandila kasabay ng paghiling nito. Sa halagang samung piso, masaya na ko dahil may nabenta ako kahit papaano.
Sa karanasan kong ito, masasabi kong mahirap din palang pagtitinda ng kandila, sabayan pa ng pagbuhos ng ulan, lalong matumal ang benta. Gayunpaman, patuloy pa ron ang pagtitinda ni Nanay Tessie kaya naman saludo ako sa kanya at sa iba pang nagtitinda ng kandila. Mabuhay po kayo!
Comments
Post a Comment