Posts

Showing posts from 2014

#CandleVendor4dPerstaym

Image
"Kandila... Kandila po..." Sa labas ng gate ng Our Lady of Lourdes Parish Church sa Tagaytay, naranasan kong magtinda ng kandila minsan sa aking buhay. Setyembre 14, 2104. Linggo. Nakatakda akong maging isang tindero ng kandila- isa na namang aktibidad sa aming asignaturang Retorika, ngunit dahil nasa simbahan na rin lamang ako ay minabuti ko muna na magsimba sa Ina ng Laging Saklolo Parish Church. Nang sa gayon, ma-bless naman ako at makahingi na rin ng tawad sa Diyos dahil sa aking mga kasalanan. Nang matapos ang misa, agad akong lumabas ng simbahan upang masimulan na ang pagtitinda ng kandila ngunit lakin-hinayang ko na malaman na wala na palang nagtitinda ng kandila sa labas ng simbahan ng Ina ng Laging Saklolo. Meron na kasing sariling tirikan ng kandila ang simbahan, at ang mga tao na rin sa simbahan ang nagpo-provide ng kandila. Naks naman! Hindi ako nawalan ng pag-asa, dahil mayroon pa namang malapit na simbahan sa amin. At eto na nga ang Our Lady o...

#DanceKinectionDay

Image
Agosto 25, 2014 https://www.facebook.com/video.php?v=889043067792380&set=o.270611876414053&type=2&theater Linggo           Tanghali na nang magsimula ang araw ko. Ngayon kasi ang usapan namin nila Sam, Kylen, Jellie at NiƱa na mag dance kinection sa Robinsons Tagaytay para mas malapit. Mas malayo kasi kung sa SM Dasma o sa Walter Trece kmi magki-kinect.           Ala-una ang usapan namin ngunit alas-dos na nang magkita-kita kami sa aming tagpuan. Na traffic kasi ako. Di ko lang alam kung na-traffic din sila. Pagkalabas ko pa lamang ng aming compound, sumambulat ka-agad ang katakut-takot na traffic sa aking mga mata, kinse minutes bago mag ala-dose. Kaya naman napag-isipan kong maglakad na lang papuntang palengke ng Tagaytay upang doon na lamang sumakay ng dyip papuntang Olivarez. Nakasakay rin naman ako ka-agad ngunit dahil sa traffic matagal akong naka-upo sa dyip at...